Thursday, October 15, 2015

DAKAK BEACH RESORT




                                                                                                                                              Matatagpuan ang Dakak Beach Resort sa Barangay
Taguilon, Dapitan City. Maraming magagandang tanawin na umaakit sa mga bumibisita dito. Isa ito sa limang resort na pinakamamaganda sa Mindanao. Masisiyahan ka kahit nasa byahe ka pa lamang dahil sa mga naggagandahang mga tanawin na madadaanan mo. Pagdating naman sa Accommodation ay wala ka nang problema dahil meron silang mga hotel malalaki ang dining at 3 outdoor pool din ang kanilang hotel.Ang Dakak Beach Resort ay isang pribadong beach resort.Mayroon din silang  area para sa diving, snorkelling, kayaking, at jet-skiing. 



Nilagyan ng pribadong terrace, ang mga naka-air condition na bungalow at nilagyan ng isang wardrobe, cable TV at ng sofa seating area. Para mas maganda at makapag relax ka ng maayos.
Mayroon din  ang Dakak Beach Resort na fitness center, tennis/squash court at ng sauna facility para sa mga mahihilig sa ssports at sa mga body consiuos, at may mga massage treatment pa na inaalok at spa. Ang tour desk ay puwedeng tumulong sa sightseeing at mga travel arrangement para sa mga bisita, habang available din ang mga laundry at car rental service.
Mula sa casual hanggang fine dining, ang resort ay nag-aalok ng maraming mga restaurant na naghahain ng lokal, at mga foriegn na mga pagkain tulad ng Chinese, at Italian cuisine,at may mga live music pa habang pinapanuod mo ang mga nakakamanghang mga tanawin sa dagat. Bukas din ang mga restaurant at bar hanggang gabi, habang ang ilan ay bukas 24 oras para sa mahihilig na maglibang at magmasaya kasama ang kanilang mga kaibigan o pamilya. Kaya huwag ng magpahuli sa pagbisita sa Dakak Beach Resort upang magkaroon kayo ng hindi niyo malilimutang karanasan.

                                                

                                                       BY: RIENAJANE VILLANUEVA